Nambugbog ng isang sibilyan si ang isang bagitong pulis na si PO1 Jose Jolious Iguiron Tandong sa loob ng Barangay Hall ng San Jose, Mandaluyong City. Makikita sa video na matapos mangatwiran si Marvin Calda at ang kasama nitong si Macgalen Villanueva na "bakit niyo kami poposasan eh wala naman kaming kaso" at "kung titicketan niyo kami eh di ticketan niyo kami" pinaghahataw ni PO1 Tanding si Villanueva gamit ang isang batuta. Pinagpapalo ng pinagpapalo ni PO1 Tanding si Villanueva hanggang sa lumabas ito ng pinto habang ang isa pang pulis na si PO1 Chito Enriquez ay nanonood lamang. Nambanta pa si PO1 Tanding na puputukan ang dalawa ng baril pagkatapos ay binunot ang kanyang baril. Hinuli ang mga sibilyan sa hindi pa malamang dahilan.
Ang lahat ng pangyayaring ito ay nakunan ni Calda sa pamamagitan ng isang cellphone video. Ang videong nakuha ay naipakita naman kay PNP General Bato Dela Rosa. Dahil dito, pinadala ni Gen. Bato si PO1 Tandong sa Marawi City.
Humaharap ngayon sa kasong police brutality si PO1 Tandong matapos itong ireklamo ng dalawang sibilyan. Ang iba pang maaring ikaso sa dalawang pulis ay Physical Injuries dahil sa mga natamong bugbog at sugat ng mga sibilyan. Maari ding makasuhan si Tandong ng Grave Threats dahil sa pagbunot nito ng kanyang baril at pagbabantang babarilin ang mga sibilyan.
Si PO1 Tanding ay nagtapos ng BS Criminology sa Pamantasang Lungsod ng Muntinlupa at pumasa sa licensure exam noong 2013.